Muni-muni ng Tamad::Tamad at Muni-muni.
October 5, 2006 by eenkooboos
May nahanap ako. Walang kasing halaga. Bagong tuklas.
–Ang aking sarili.
— oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo —
Kung ilagay ko kaya ang buhay sa isang script. At, sa loob ng isang kwento, nandun tayo. Tayo mismo, nasa script sa isang libro. —may kuwento.
Wala kang mukha, pangalan lang. Hindi ikaw, pero ang iyong pagkatao. Hindi uso ang maganda at panget, kasi nga wala kang mukha. Magugustuhan o Aayawan ka hindi sa iyong itsura kundi kung anong klaseng pagkatao meron ka sa ilalim ng storya.
Wala kang kapanganakan, intro lang. Hindi ka mamamatay, pero may ending ang kwento mo.
Dun ka nakatira sa ideyal na mundo, Nakapaligid sayo ang ideyal na mga tao. At ang buhay mo–Isang ideyal na kwento.
Walang langit. Walang multo. Walang Diyos. Well. depende sa storya.. Pero sa script na gagawin ko, Wala. Ako. Ako ang Diyos. Ako gagawa ng kwento mo.
At sa kwento ko.. Ikaw ay mulat. Magsusulat ka. Parang ganito. Diyos ka rin sa kwento ko. Ikaw ang Diyos ng sarili mong mundo… Tulad ko.
— oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo —
**pop
tao1: uy, tol.. balita? hehe!! kumusta?
tao2: uy men, long time no hear ah. ok lang ako.. nasa opis ako ngayon.. kaw? balita?
tao1: ok lang din.. papasok pa lang.. dun na ulit ako sa opis mag oonline.. kelan tayo inuman?
tao2: oo nga noh!! kita naman tayo.. tagal na tayong hindi nagkikita eh..
tao1: lagi ka bang online tol?
tao2: umm.. hindi naman lagi.. minsan lang.. pero siguro ngayon pwede ng lagi. pde pala siya sa opis eh.
tao1: talaga? ayos.. at least.. magkakabalitaan tayo.. tapos pwede kita yayain mag-inuman.
tao1: oo.. ‘tsong.. para magkita-kita ulit tayo!!
tao2: ayos yan.. cge.. try kong yayain yung iba..
tao1: oks.
tao2: ikaw tol? lagi ka bang online?
tao1: oo tsong pero lagi akong invisible..
tao2: invi? bakit naman?
tao1: wala lang.. oo nga pala.. mag-iinvisible lang ako ha? w8 lang..
tao2: oks.. may tinataguan ka noh?
tao1: haha!! wala ah. Wala lang.
tao1: Parang Ok kasi mag-invisible eh.. Hindi nila alam na online ka tapos alam mong online sila. Parang nag-oobserve ka lang. Inoobserbahan mo sila sa status nila.. Parang nakikita mo kung gaano sila kasaya o kalungkot sa status nila ^_^ Parang Diyos.
tao2: ayos ah. Parang Diyos.
tao1: hehe!
tao2: ma-try ko nga rin..
tao1: hehehe! ayos!
tao2: pero ‘tsong parang baliktad ah?
tao1: baliktad? …. huh?
tao2: yung sinabi mo kanina… Tayo yung laging invisible. Yung Diyos lagi siyang online. Alam natin nandiyan siya. Alam natin kung anong status ng Diyos. Tayo.. Tayo, lang yung namimili kung kelan natin siya ippop ng msg. Kung kelan lang tayo may gusto sabihin, o kaya parang may gusto tayong hingan ng tulong.. Lagi siyang online. Lagi siyang naghihintay ng makaka-chat..
tao2: parang ikaw. Pwedeng nakita mo na akong nag-online dati.. tapos online ka lagi, pero invisible. Ikaw. lang namili ng oras na ngayon mo ako kumustahin.. Para kang tayo.. –TAO.
tao1: ….
tao2: hehehe! tsong.. taagaay..
tao1: hehehe!! ayos yun ah. Ako representasyon ng tao.. Ikaw, ikaw ang Diyos..
tao2: hehe! hindi ah..
Hindi naman ako laging online eh.
tao1: hahah!! ayos.. ang galing ng sagot ah.. pero may pagka-Diyos ka pa rin..
tao2: wenk!! huh?? ayos ah? pano mo nasabi?
tao1: alam namin online ka.. Ppop ka namin.. Pero minsan… hindi ka naman nagrereply.. ^_^ Buti nga ikaw eh, minsan lang.. eh si Lord.. hmm.. hindi man lang sumasagot ng.. "o ano yun? bakit?" o kaya "o <Tao>. kumusta?" hehe!! diba? kahit kailan wala.
tao2: wahaha!! oo nga naman! well hindi ko alam.. ewan ko.. hindi naman ako Diyos. Wala naman akong lahing Diyos.. Pero meron ako.. umm.. Ugaling Diyos..
tao1: Ugaling Diyos? ano un?
tao2: naku.. alam mo un noh.. meron ka rin nun noh.. Hindi mo lang namamalayan.. pero Parang pag-ibig.. Hindi mo alam nandiyan lang.. wahahaha!
tao1: tagay pa!! hehehehe!!
tao2: hehe!! tagay pa..
— oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo — oOo —
tao2: naku.. alam mo un noh.. meron ka rin nun noh.. Hindi mo lang namamalayan.. pero Parang pag-ibig.. Hindi mo alam nandiyan lang.. wahahaha! –> pagibig? wt! hahaha inluv ka lang mel..
Wahahaha! kanina ko pa iniisip ang irereply sa comment.. Hanggang ngayon wala pa rin..
Speechless ako.. pero astig.. “Pag-ibig” hehe! ^_^
cno kunwari ung tao2?? c LOPEZ?? ahahaha!!!