Tulang Para Sa Kanyang Kahit na Sino…
May 5, 2006 by eenkooboos
SANDAL
‘Wag kang mangangapa,
Sama-sama tayong luluha.
Magkikita tayo ng hindi tumitingin,
At sabay nating ililipat ang pahina.
‘Wag kang mag-aalala,
Muli nating kukulayan ang mundo
Sa ‘di nakikita’y maniniwala,
Pumikit’ magtiwala’t sa dili’y may sasalo.Sabay nating kukulayan ang mundo.
Magkasama tayong mananaginip.
Sa ulap ay maglalakad… Halika.
Sabay tayong magmamasid.
Kung ang panaginip ay pag-ibig,
At ang panaginip ay panaginip na alam natin,
Sumandal ka…Tayo’y iidlip
At hindi na… Hindi na muling gigising.
Rommel Garcia
8/7/03