Nasaan si ‘ako’ na bata?
November 29, 2005 by eenkooboos
Nasaan ang batang ako?
Nasaan ang batang mapaglaro?
Nasaan and batang ako na nagtatanong?
Nasaan ang batang ako na hindi nahihiya?
Nasaan ang batang ako na hindi nahihiyang umiyak?
Ang batang ako na hindi nahihiyang umiyak at humingi ng tulong?
Nasaan ang batang ako?
Ang batang ako na masayang nagbibigay?
Nasaan ang batang ako na masayang nagbibigay ng walang kapalit?
Nasaan ang batang ako?
Ang batang ako na naghahanap ng pag-ibig?
Nasaan ang batang siya na pag-ibig?
Nasaan ang batang ako?
Nasaan ang batang ako bilang kaibigan?
Nasaan ang batang ako bilang anak?