Tanong?
October 18, 2005 by eenkooboos
Madami na ba ang sobra sa isa? …dalawa? Gaano kadami ang madami? Ang kaunti? Gaano kalaki ang malaki?
Gaano kaliit ang maliit? Gaano kasimple ang simple?
Kailan pwedeng sumuko? Ano ang pinagkaiba ng "hindi busy" sa "medyo busy"?
Ano ang mas mabilis? ang maglakad na parang tumatakbo o tumakbo na parang naglalakad?
Ano ang nasa gitna ng madalas at hindi madalas?
Sino ang unang gumawa ng salamin? Paano kung walang salamin?
Ano ang pinakamahirap na first time?
Ano ang pinakamagaang feeling?
Makulit ba ang paulit-ulit? Paulit-ulit? Paulit-ulit? Paulit-ulit? Paulit-ulit?
Merong bang mga sagot na hindi na kailangan ng tanong?
Bakit may lock ang 24-hours open na 7-eleven?
Paano kung na-prove ng science na walang Diyos? Ang Bible ba ay libro? …edited?
Gaano katagal bago ang first day ng "God’s Creation" ^_^
Gaano ba katagal ang isang araw ng Diyos? hehe!
Pwede ba magtanong? Kailan ba nagiging masama ang pagtatanong?..
Malungkot ba ang buhay na walang saya?…
Masaya ba ang buhay na walang lungkot? ……Langit?
Masama ba ako? Sino ang ligtas?
Sino ang nakakaalam ng mangyayari bukas?
ummm…Freewill?
Ilang beses ba pwedeng umulit? Ilan nga ba ulit ang buhay natin?
Ang tao daw ay virus?
Isa na bang milagro ang mapaginipan si Lord God?
Eh kung ikaw ang Lord God sa panaginip mo?
Parehas ba tayo ng ideya ng masama?
Parusa ba ang pagkakaroon ng sakit?
Sino ba ako? ….Totoo ka ba sa mundo ko?
Kung hindi ako ngayon?.. ano ako ngayon?
Ang buhay ay parang isang pelikula
May luha, may tuwa, may bida… scripted?
Ano at sino ang normal sa mundo ng baliw?
Pano ba natitimbang ang kasalanan?
Ano ang standards ng non-sense na tanong?
- Hango sa mga pagmumuni at isang araw na inuman.
- R o m m e l -