Dalawa
May 2, 2005 by eenkooboos
Dalawang linggo bago ko kunin ang pangalawang kong exam. Dalawang araw bago mag-lunes, Dalawang tatlong oras ako bumiyahe papunta sa masaya. Dalawang tape na ng gameboy ang aking nalalaro nang akoy magsawa at matulog ng dalawang oras.
Pagdating sa masaya. Lumangoy lang ako ng dalawang oras at nagpahinga. Natulog ng dalawang oras at nagbasa ng dalawang singkwentang pahinang reviewer na hindi ko maintindihan kahit Ilang dalawang beses ko pa siya ulitin.
Kumain ako nun dalawang putaheng pagkain.
Umuwi na ako galing sa masaya. Pagdating ng umaga.. Dalawang krisis ang naghihintay.. Nawala ang aking dalawang flash drive, At isa sa "pattern" kainis kasi.
Dalawang araw… Mag-eexam na ako.. Hindi ko pa tapos ma-setup ang isang computer at dalawa pa. Kinabukasan ko na lang sinimulan mag-review. Binasa ko ang dalawang isang daan na tanong na may sagot…. Wala pa rin akong naintindihan.. Nag-overnight na ako para dito.. Wala pa rin akong naintindihan… Sinubukan kong maligo.. Wala pa rin…
Dalawang isa’t kalahating oras na lang… Umalis na ako… Pumunta ako sa testing center para bumagsak… Nawalan na naman ako ng tiwala sa sarili.. Hindi ko na alam ang kalalagyan….. Naiinis na ako sa sarili ko…
Dalawang araw pang lumipas. Buti na lang may banda ako.. Sumama ako sa dalawang oras na praktis para tumugtog ng dalawang kanta at isa pa. Lumigaya ako ng konti… Ngumingiti na ako..
Bukas.. Magpapasked ako… kukuha ako ng pangalawang pagkakataon… Sana makapasa na….. Sisigaw ako… pagtapos nito…. (DALAWANG) AAAAAARRRGGGGHHHHH!!!..